Department of Education
District
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
Ragay
Ikatlong Markahang Pagsubok
Character Education III
Pangkalahatang Panuto:
Matalinong sagutin ang bawat aytem ng pagsubok. Titik lamang ng tamang sagot ang
isulat sa papel.
1. Isang umaga, nakasalubong mo ang iyong
kapitan ng barangay. Ano ang sasabihin mo?
a. Hi! Kapitan
b. Magandang umaga
c. Magandang umaga po, kapitan.
2. Nag-uusap sa may tarangkahan ninyo ang
iyong ama at si kapitan Pedro .Dadaan ka sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?
a. Aalis na po ako
b. Maaari po ba?
c. Wala pong anuman!
d. Makikiraan po
3. Abogado ang kapatid mo. Ano angt awag
sa kanya?
a. G. Santos
b. Dr. Santos
c. Attorney Santos
4. Maaga kang pumasok sa silid-aralan,
may nakita kang pera sa isang upuan. Alam mong kay Ana ito na kaklase mo ito at
pambayad niya ito sa inyong proyekto. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi papansinin
b. Mag-iisip mabuti
c. Itatago muna at ibibigay kay Ana
5. Sino ang gusto mong kalaro?
a. Si
Jack na naninisi kapag natatalo
b. Si Ador na nagagalit kapag natatalo
c. Si Justin na sumusunod sa tuntunin ng
laro
6. Inutusan ka ng tatay mo na isauli ang
hiniram niyang martilyo sa kapitbahay ninyo. Sarado ang pintuan nila. Ano ang gagawin
mo?
a. Kakatok sa pinto at kasabay ang pagsabi
ng tao po
b. Kakatok sa pinto at kasabay ang pagsabi
ngTuloy po kayo
c. Kakatok sa pinto at kasabay ang pagsabi
ng Makikiraan po
7. Nagmamadali si Delia na makasakay sa
dyip. May nakasakay siya ng matandang pilay. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Paalisin ang matanda
b. Itulak ang matandang pilay
c. Paunahin ang matandang pilay
8. Inimbita ng iyong guro si Mang Sendong
na isang magsasaka upang magsalita tungkol sa kabuhayan nito. Dumating siyang naka
tsinelas lamang at luma ang suot na damit.
a. Babatiin siya ng magalang at
makikinig nang maayos.
b. Hindi papansinin ang sasabihin ni Mang
Sendong.
c. Pagtatawanan ng lihim si Mang Sendong
9. Sa pagbabasa mo ng isang aklat,
nakita mo na ang ibang pahina nito ay nakatiklop.
a. Itutupi rin ang pahinang tatandaan.
b. Pabayaang nakatupi ang mga pahina.
c. Isa-isang uunatin ang mga nakatuping pahina
hanggang lahat ay maisaayos.
10. May miting ang punong guro sa opisina.
Kailangan mo siyang kausapin sa isang takdang paksa.
a. Marahang hihinging pahintulot sa taong
nag-aasikaso ng miting.
b. Lalapit ng tuloy-tuloy sa punong guro
at magsasabing gusto siyang kausapin.
c. Hindi nalang makikipag-usap at
sasabihin sa guro na wala ang punong guro.
1. May baon si Mario. Si Jose ay wala.
Kung ikaw si Mario, ano ang gagawin mo?
a. Hindi papansinin si Jose.
b. Itatago ang pagkain kay Jose.
c. Hahatian si Jose ng baong pagkain.
2. Nakakalat ang putol-putol na tisa sa ibabaw
ng mesa.
a. Ibalot ito sa papel
b. Itapong lahat sa basurahan
c. Ilagay sa kahon ang maaari pang
gamitin.Itapon ang di na kailangan
3. Marumi ang pambura ng pisara. Ano ang
gagawin mo?
a. Ipagpag ito sa bintana.
b. Ipagpag ito sa basurahan sa loob ng silid
aralan.
c. Ipagpag ito sa basurahan sa labas ng silid
aralan.
4. Nasira ang bahay ang kaibigan mo ng bagyo,
ano ang magiging reaksyon mo?
a. Tutuksuhin ang kaibigan
b. Tatawanan ang kaibigan
c. Malulungkot at maghihingi ng tulong para ibigay
5. Luma na ang bunot na inyong ginagamit.
Kumakaskas na ito sa sahig. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi nalang magbubunot.
b. Pababayaang magasgas ang sahig sa pagbubunot.
c. Sasabihin sa guro upang mapalitan ito
ng bago.
II- Pagpasyahan kung dapat o hindi dapat gawin ang mga sumusunod
na Gawain. Isulat ang D kun gdapat gawin ang mga sumusunod na Gawain. Isulat ang
HD kung hindi . Isulat sa patlang ang sagot.
16.
_____________ pagtawanan ang batang biglang
nangisay dahil may epilepsy.
17.
_____________ Itayo ang batang pilay na nadapa.
18. _____________ Alalayan sa pagtawid ang kaklaseng bulag.
19.
_____________ Tuksuhin ang batang may
kapansanan.
20.
_____________ huwag isali sa laro ang batang
bulag.
21.
_____________ pagtawanan ang kaklaseng ngongo.
22.
_____________ tawaging pilantod ang batang
pilay.
23.
_____________ Kinakausap ang batang may
kapansanan.
24.
_____________ Sinasali sa laro ang mga batang
may kapansanan.
25.
_____________ magsabi ng totoo para hindi
mapagalitan.
Piliin sa kahon ang akmang
salita upang mabuo ng tama ang pangungusap.
Bag paminggalan maleta
Aparador cabinet baul
Sako kahon bintana
|
26.
Inilalagay natin ang mga baso at pinggan sa _________________
27. Inaayos ni
Rosa ang mga damit na dadalhin sa lalawigan at inilalagay sa
_________________
28. Inaayos ni
Noel ang gamit niya sa paaralan sa ___________________
29. Nilinis
at nilangisan ang lagare, martilyo at paet. Itinago niya ito sa
__________________
30. Nilinis niya
at pinakintab niya ang sapatos. Ibinalik niya ito sa __________
Isulat ang tamang sagot
31. Ano ang tawag sa kapatid na lalake?
32. Ang kapatid na babae ay tinatawag
na
33. Ang tawag sa kapatid na lalaki ng
nanay
34. Ang nanay ng tatay mo ay
tinatawag na
35.
Ang ama ay tinatawag na
Piliin sa kahon ang tamang sagot at Isulat ang
titik lamang
a.
Bawat kanto d. bangketa
b.
Silbato e. sakuna
c.
Pulis-trapiko
|
36. Gamit ng
pulis trapiko _________
37. Dapat nating
sundin sa daan
_________
38.
Ginagamit sa paglakad sa daan _________
39. Pook na kinaroroonan
ng pulis trapiko
_________
40.
Maiiwasan kung susundin ang batas trapiko _________
Inihandani:
G.
Noel R. Dauran, MAED
Master Teacher - I