Total Pageviews

Saturday, August 11, 2012

Tula tungkol Sa Wika


ARMANDO MIRABONA JR. my former Grade 3 learner
who recited the poem during District Festival of Talent


“Wikang Filipino at Iba pang Wika sa Rehiyon: 
“Wika ng Bayan sa Kapayapaan”

Mr. Noel R. Dauran
Baya Elem. School
Ragay District

I
Wika ng rehiyon ay malawak, maunlad
Kaya’t mga tao’y higit na mapalad’
Saang sulok ka man mapunta, mapadpad
Pag wika ng rehiyon ginamit, makikilala ka agad.

II
Ito’y wikang gamit sa lahat ng oras
Sa bawat panig ng bansang Pilipinas,
Wika ng rehiyon ay ipinamalas
Ginagamit natin sa pakikipag-usap.

III
Di lingid sa atin ang kagandahan nito
Kahit di ituro alam nan g tao
Kahit mga bata sa buong rehiyon ko,
Kaya’t MTB Ipinatupad ng departamento

IV
Itong wika sa mahal kong rehiyon
Mahalagang tunay na kailangan yon,
Pagtulong,paglinang sa wikang Pambansa
Sa kapayapaan at pagkakaisa ng madla

V
Sa lahat sa inyo hiling ko lang naman,
Wikang Filipino’y pagyamanin at ating pag-aralan
Ipagmalaki natin kahit kaninoman,
Mahalin, igalang at pagkaingatan.

VI
Bago ako magpaalam, iiwan ang halaga
Ng winika ni Gat. Rizal sa ngayon ay ididikta
Na ang hindi raw magmahal sa sariling wika niya,
Ay mas higit pa sa hayop at sa isda na malansa.




39 comments:

  1. ang ganda poh.. pewede poh b ito yong ipatula ko sa aking estudyante? sa buwan ng wika.. salamay poh.......

    ReplyDelete
  2. ok lang po bang gamitin ko ito para sa aking mga mag-aarala?

    ReplyDelete
  3. pwede po bang ipatula ito sa mga estudyante namin sal inggo ng wika

    ReplyDelete
  4. may sample po kayo ng balagtasan? thanks!

    ReplyDelete
  5. malayang pagpapantig ba itong tula, ginoo???

    ReplyDelete
  6. pwd po ba ipatula ko ito sa aking estudyante?

    ReplyDelete
  7. pwede ko po bang gamitin toh ? salamat po.

    ReplyDelete
  8. pwede po bang kumuha ako dito ng ilang mga salita? tnx po.

    ReplyDelete
  9. pwede ko po bang gamitin to sa darating na buwan ng wika?

    ReplyDelete
  10. Pwed ko po bang gawing assignment to papalitan ko nalang po ung ibang salita tnx... po :D

    ReplyDelete
  11. pwede po bang ipatula ito sa estudyante para sa darating na linggo ng wika

    ReplyDelete
  12. Ganda po
    Itutula ko po ito

    ReplyDelete
  13. ang ganda po ng tula .. pwede po ba ito para sa declamation namin ngayung buwan ng wika ??

    ReplyDelete
  14. ganda ng tula nyo sir.......sir ask ko lng permission nyo kc gusto sumali ng anak ko sa pagtula ngayong buwan ng wika 2014 at nakita ko na related itong tula nyo sa tema. maraming salamat po....

    ReplyDelete
  15. Sir, Makikihingi lng po ng konting words and sentences dto sa poem nyo... Thanks po, Project ko lng :))

    ReplyDelete
  16. Hi po, hingi po ako ng konting words. Sa assignment ko lang po, di ko po gagayahin lahat. Thanks po :) GodBless.

    ReplyDelete
  17. Hello po.. hingi rin ako ng konting words.. sa assignment ko po.. Salamat po.. God Bless :)

    ReplyDelete
  18. pwedi ko ba tong gamitin sir?

    ReplyDelete
  19. salamat sa tula sir. makakatulong po ito sa mga mag aaral at mga guro. God bless.

    ReplyDelete
  20. Good day po sir. Maari po bang ipatula ito sa Buwan ng Wika sa skul po namin. Thanks po. TFBCS po sa Tarlac City.

    ReplyDelete
  21. Kayganda po ng tulang ito. Pwede po bang ipatula ss mga bata namin this coming linggo ng wika sir?

    ReplyDelete
  22. Pede po bang gamitin ang tula nyo sa Linngo ng Wika...salamat po

    ReplyDelete
  23. Pwede ko po ba itong gamitin at ipatula sa mga bata? Salamat po

    ReplyDelete
  24. good day po sir pwede po bang ipatula ito sa mga studyante namin para sa linggo ng wika

    ReplyDelete
  25. Ang ganda...pwede po bang itong gamitin ? Ako kasi mag tutula sa buwan ng wika..

    ReplyDelete
  26. Pwede ko po bang gamitin ito para sa assingment ko thank you po

    ReplyDelete
  27. sir puede ko po bang magamit ang tula nyo para sa pupil ko po. salamat po :)

    ReplyDelete
  28. hello po, pwede po bang mahiram ang tula nyo para po sa pupil ko ngayung buwan ng wika? salamat po :)

    ReplyDelete
  29. Magandang gabi po! Maaari ko po ba ito magamit sa school activity po? Anyway ang ganda po :)

    ReplyDelete