I – Pamagat:
Aspeto ng
Pandiwa
II – Ang mga
Mag-aaral na gagamit – Ikatlong taon
III – Lagom –
Pananaw
Ang
pagtuturo pagkatutong ito ay inihanda para sa iyo upang Magkaroon ka ng mga karagdagang kaalaman
IV
– Layunin
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul
na ito, ikaw ay Inaasahang
a.
Makakakilala ng
pagkakaiba ng tatlong aspeto ng pandiwa
b.
Matutukoy ang
tamang aspeto ng pandiwang gagamitin sa mga pangungusap
c.
Magagamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay ang anumang matutunan tungkol sa aspeto ng pandiwa
V
– Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral
a. Basahin at
unawaing mabuti ang mga aralin tungkol sa tatlong aspeto ng pandiwa.
b. Sundin ang mga
panuto at unawaing mabuti ang mga katanungan sa pagsasanay.
c. Sagutin mo ang
bawat pagsasanay na may pag-iingat at matapos mong sagutin ay tingnan ang mga
wastong sagot sa mga tanong na makikita matapos ang ginagawang pagsasanay.
d. Kung ang iyong
Iskor ay 7-10, gawin kaagad ang mga susunod na aralin at pagsasanay. Kung ang
iyong Iskor naman ay 6 pababa, pag-aralang muli ang araling binasa at saguting
muli ang pagsasanay hanggang makakuha ka ng Iskor na 7 pataas.
e.
Maging tapat ka
sa Diyos at sa iyong sarili sa pagsagot ng mga pagsasanay.
VI
– Mga Kakailanganing Kahandaang Gawain
Bago pag-aralan ang Modyul na ito,
kailangang alam mo na ang kahulugan at gamit ng pandiwa.
VII
– Paunang Pagsubok o Unang Pagsusulit
Basahing mabuti ang mga pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1.
Si Lito ay
_____________ ng tubig mamaya.
a.
Iigib b. mag-iigib c. mag-igib
2.
Ang mga bata ay
___________ ng halaman kahapon.
a.
Magtatanim b.
nagtatanim c. nagtanim
3.
___________ siya
ng premyong isandaang piso sa patimpalak.
a.
Nagwagi b. Magwawagi c. Nagwawagi
4.
___________ siya
tuwing gabi.
a.
Nagdasal b. Nagdarasal c. Magdadasal
5.
Ang nagwagi ng
unang gantimpala ay ______________ng isang tropeo.
a.
Tumanggap b. tumatanggap c.
tatanggapin
6.
May _____________
na mga bisita sina Mang Paeng at aling Bebang bukas.
a.
Dumating b. dumarating c. darating
7.
______________ ang mga taga-Daraga nang
pumutok ang Bulkang Mayon noong 1997.
a.
Lumikas b. Lumilikas c. Lilikas
8.
______________
ang mag-anak nang dumating si Venus.
a.
Kumain b. Kumakain c. Kakain
9.
Si Mang Dan ay
parating ________________ ng pahayagan.
a.
Magbasa b. nagbabasa c. magbabasa
10.
_____________
siya sa paligsahan sa pag-awit kahapon.
a.
Sumali b. Sumasali c. Sasali
VIII
– Mga Sagot sa Paunang Pagsubok o mga sagot sa Unang Pagtatayang Pagsusulit.
1.
A
2.
C
3.
A
4.
B
5.
A
6.
C
7.
A
8.
B
9.
B
10.
A
IX
– Mga Aralin sa Pagkatuto
A.
Aralin I
Ang unang aspeto ng pandiwa ay perpektibo.
Ang perpektibo o aspetong pangnagdaan ay nagpapakita ng kilos na naganap na.
Ang pangungusap na may pandiwang nasa aspetong perpektibo ay karaniwang
kakikitaan ng pang-abay na pamanahon tulad ng Kahapon, Kanina, noong isang
taon, at iba pang nagsasaad ng pangnagdaang panahon. Karaniwang ginagamit ang
mga panlaping um, in, at mag
Halimbawa:
1. Umalis ang nanay kahapon.
2. Iniwan ni Lita ang bahay kanina.
3. Naglinis ako kahapon.
Pagsasanay I
Piliin ang angkop na
Pandiwa para sa bawat pangungusap
1.
Si Rina ay isang
batang Hindu na ( tumira, tumitira, titira ) nang matagal sa Maynila.
2.
( Kumain,
Kumakain, Kakain ) siya ng pansit sa palengke kanina.
3.
( Bumili, Bibili,
Bumibili ) siya ng sasakyan kahapon.
4.
( Ipinanganak,
Ipinapanganak, Ipapanganak ) si Kim noong 1972.
5.
( Binaril,
Binabaril, Babarilin ) si Rizal sa Luneta.
6.
Noong bata pa
ako, mahilig akong ( aakyat, umaakyat, umakyat ) sa puno.
7.
( Mamamasyal,
Namasyal, Namamasyal ) kami sa SM Naga noong Sabado.
8.
( Sumusunod,
Susundin, Sinunod ) niya ang payo ng kanyang ina kaya siya nagtagumpay.
9.
( Pumupunta,
Pupunta, Pumunta ) siya sa bahay kahapon.
10.
( Binato,
Binabato, Babatuhin ) siya kaya siya nasugatan.
Mga
Sagot sa Pagsasanay I
1. Tumira
2. Kumain
3. Bumili
4. Ipinanganak
5. Binaril
6. Umakyat
7. Namasyal
8. Sinunod
9. Pumunta
10.
Binato
B. Aralin II
Ang ikalawang aspeto ng pandiwa ay imperpektibo. Ang
imperpektibo o aspetong pangkasalukuyan ay nagpapakita ng kilos ng
ginaganap pa lamang o kilos na nasimulan na pero hindi pa natatapos. Karaniwang
ginagamitan ito ng panlaping um/ nag/ na+pag-uulit ng unang pantig ng salitang
ugat + salitang ugat.
Halimbawa:
1.
Naglalaba ako ng
damit araw-araw.
2.
Umaawit ako
tuwing umaga.
3.
Namimitas ako ng
gulay sa hardin tuwing Sabado.
Pagsasanay
II
Bilugan
ang wastong sagot
1.
( Maligo,
Naliligo, Maliligo ) siya nang kami’y dumating.
2. ( Sumasayaw,
Sasayaw, Sumayaw ) si Danny habang ( kumanta, kakanta, kumakanta ) ako.
3.
( Matutulog,
Natulog, Natutulog ) si Nick nang dumating si Tena.
4.
Ang bahay ni Mang
Kanor ay kasalukuyang ( gagawin, ginagawa, ginawa ).
5.
( Manonood,
Nanood, Nanonood ) siya ng basket bol nang biglang nawalan ng kuryente.
6.
An gaming
tanghalian ay kasalukuyang ( inihanda, inihahanda, ihahanda) ni nanay
7.
Si Jovelyn ay
malungkot habang ang lahat ay ( nagsaya, magsasaya, nagsasaya).
8.
( Magliligpit,
Nagliligpit, Nagligpit ) siya nang biglang nawala ang tubig.
9.
( Gagawa,
Gumagawa, Gumawa ) siya ng takdang aralin habang kami ay ( kumakain, kakain,
kumain )
10. Ang bulkan ay kasalukuyang ( pumuputok,
puputok, pumutok ).
Mga
sagot sa Pagsasanay II
1.
Naliligo
2.
Sumasayaw,
kumakanta
3.
Natutulog
4.
Ginagawa
5.
Nanonood
6.
Inihanda
7.
Nagsasaya
8.
Nagliligpit
9.
Gumagawa,
Kumakain
10
Pumuputok
c. Aralin III
Kontemplatibo ang huling aspeto ng
pandiwa. Ang kontemplatibo o aspetong panghinaharap ay nagpapakita ng kilos na
gaganapin pa lamang. Karaniwang ginagamit ang mga pang-abay na pamanahon tulad
ng mamaya, bukas, sa susunod na taon, sa susunod na araw at iba pang panahong
panghinaharap. Karaniwang gumagamit ditto ng panlaping ma/ mag + pag-uulit ng
unang pantig ng salitang ugat + salitang ugat o kaya naman ay pag-uulit ng
unang pantig ng salitang – ugat + salitang – ugat.
Halimbawa:
1.
Mamamasyal kami
bukas.
2.
Magluluto ako ng
ulam mamaya.
3.
Iigib ng panligo
si Boy mamaya.
Pagsasanay
III
Piliin
ang titik ng tamang sagot.
1.
_______________
ng bahay si lolo sa susunod na Linggo.
a.
Magpapatayo b. Nagpatayo c.
Nagpapatayo
2.
_______________
ng medisina si Raul Pagdating ng kolehiyo.
a.
Kumuha b. Kumukuha c. Kukuha
3.
_______________
kami ni Ben pagkatapos ng klase.
a.
Nagkita b. Magkikita c. Nagkikita
4.
Si Tatay ay
__________________ sa Maynila sa kamakalawa.
a.
Luluwas b. lumuluwas c. lumuwas
5.
______________
bukas ang kaibigan ko.
a.
Darating b. Dumarating c. Dumating
6.
___________ ang
kuya sa palatuntunan bukas.
a.
Sumasayaw b. Sumayaw c. Sasayaw
7.
Sa susunod na
Linggo ay _____________ kami sa Museo.
a.
Pumunta b. pupunta c. pumupunta
8.
____________ sina
Marlon at Fe bukas.
a.
Ikakasal b. Ikinasal c. Ikinakasal
9.
_____________ si
Shame sa barko mamaya patungong Cebu.
a.
Sumasakay b, Sumakay c. Sasakay
10. ____________ ang araw mamaya sa dakong ika-6
ng hapon.
a.
Lumubog b. Lulubog c. Lumulubog
Mga sagot sa Pagsasanay III
1.
A
2.
C
3.
B
4.
A
5.
A
6.
C
7.
B
8.
A
9.
C
10.
B
X
– Panukatang Sangguniang Pagsusulit
Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong
1.
( Bumubuhos,
Bumuhos, Bubuhos ) ang ulan kaninang umaga.
2.
( Dumating,
Darating, Dumarating ) ang pasalubong ng Tiya ko mamaya.
3.
( Mag-eensayo,
Nag-ensayo, Nag-eensayo ) ang mga manlalaro tuwing umaga.
4.
Gabi nan g
(umuwi, uuwi, umuuwi ) si Dan.
5.
( Nagliligpit,
Nagligpit, Magliligpit ) ako n gaming pinagkainan bago ako matulog.
6.
Kasalukuyang (
nasunog, masusunog, nasusunog ) ang bahay ni Mang Ramon.
7.
( Tumatakbo,
Tumakbo, Tatakbo ) bilang Senador si Noli sa darating na halalan.
8.
Kasalukuyang (
maglalakad, naglalakad, maglalakad) si Ariel nang bigla siyang matapilok.
9.
( Nagsimba,
Nagsisimba, Magsisimba ) an gaming pamilya tuwing Linggo.
10 ( Natuwa, Matutuwa, Natutuwa ) si Rona matapos
siyang mapagalitan ng magulang.
XI
– Mga sagot sa Panukatang Sangguniang Pagsusulit
1.
Bumuhos
2.
Darating
3.
Nag-eensayo
4.
Umuwi
5.
Magliligpit
6.
Nasusunog
7.
Tatakbo
8.
Naglalakad
9.
Nagsisimba
10. Natuwa
XII
– Pagpapahalaga
A.
Naging malinaw ba
para sa iyo ang mga nagging paliwanag sa aspeto ng pandiwa?
B.
Nakatulong ba
naman sa iyo ang modyul upang mapalawak at mapadali ang pag-aaral mo sa mga
aspeto ng pandiwa?
C.
Sa tulong mga
paliwanag sa modyul, maaari ka na bang gumawa ng sarili mong mga pangungusap na
ginagamitan ng tatlong aspeto ng pandiwa.
Inihanda ni:
NOEL R. DAURAN
Master
Teacher-I
Pinagtibay:
HELEN J. DE LIMA
ESHT – III
OPHELIA A. PLATON, Ph. D.
PSDS
Ang Modyul
Pampagtuturo at ang Paghahanda Nito
Kahulugan:
Ang
Modyul ay isang set ng mga Gawain sa pagkatuto na maayos ang pagkabuo
at kalakip ang mga araling nagtataglay ng mga element ng pagtuturo, tiyak na
layunin, pagtuturopagkatutong Gawain, at pagpapahalagang gumagamit ng
Sangguniang Pagsusulit.
Mga Katangian
1.
Ito ay yunit ng instruksyon na kadalasang
makapag-iisa.
a)
Malayang ginagamit na may buong pakikilahok ng
klase.
b)
Natatamo ng mag-aaral ang mga layunin /tunguhing
walang pamamatnubay
ng guro/taga-pagsanay
o nang may kakaunting tulong mulo sa guro.
c)
Nagtataglay ng mga tiyak na takdang Gawain sa
pagkatuto, panuto at ang pagtataya ay malinaw at maayos, ang mga panimulang
pagsusulit formative test, pangkatapusang pagsusulit at susi ng pagwawasto o
mga sagot sa tanong ay nakahanda sa mga mag-aaral.
2.
Pinanalaya ang mga guro at mga mag-aaral mula sa
mahigpit na takdang panahon.
3.
Ang mga yunit pampagtuturo ay maaaring ilahad sa
anyo ng teksto, audio vieo recording, programmed materials, pagsasanay
panlaboratoryo o anumang malikhaing nabuong pormat.
4.
Ang mga layunin at mga Gawain ay malinaw na
tinukoy at dapat na maaos ang pagkasunod-sunod upang bigyan ang mga masg- aaral
ng kumulatibong pag-unawa at kasanayang magsisilbing kahingian para sa mga
susunod na aralin.
5.
Ang mga nilalaman ay dapat na maikli at tiyak at
nakatuon sa pagtamo ng tunguhin ng modyul,
a.
Dapat nitong hikayatin ang mag-aaral sa
pamamagitan ng malinaw na tunguhin,
mahusay na ilustrasyon ng mga Gawain, tunay na sitwasyon sa buhay,
pangangailangan, at interes ng mag-aaral
b.
Apat itong isulat sa malinaw at payak na wikang
angkop na antas ng mga mag-aaral, hindi mahirap unawain, at Malaya sa ano mang
maling gamit ng wika.
c.
Dapat itong isulat sa paraang magiging
kawiliwili at nakahihikayat ang mga aralin at pukawin at panatiliin ang
atensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan nang paggamit ng lahat ng nakahandang
paraan.
d.
Dapat itong tiyak at wasto, walang mali sa mga
isinasaad dahil ang modyul ang tanging pagkukunan ng mag-aaral ng kaalamanan.
6.
Ang mga moyul ay dapat na interaktibo at
madaling gamitin , I, e, bumubuo ng ugnayan sa mag-aaral na patuloy tumutugon
ditto o kaya ay nakikipag-usap sa mag-aaral sa personal na paraan. Ang mga
Gawain sa pagkatuto ay apat na mapaghamon, malikhain, at masining.
7.
Dapat nitong turuan ang mag-aaral sa lahat ng
aspeto, i. e, mithiin ang kognitibo, apektibo, at saykomotor na pagkatuto sa
lahat ng pagkakataon ng pag-aaral upang magbunga nang lubos na pagkatuto, at
nang mas mayaman at mas tiyak na uri ng buhay ng mag-aaral.
Mga Karaniwang Elemento ng Modyul
1.
Malayang yunit ng instruksyon makapag-iisa
2.
Malinaw na tinutukoy ang mga dapat na matamong
layunin
3.
Nagtataglay ng set ng mga sistematikong
paglalaha ng mga Gawain sa pagkatuto.
4.
May paraan ng ebalwasyon ng Gawain.
Mga Komponent/Bahagi ng Modyul
1.
Paglalahad
ng layon .Ang pamagat ng modyul na nag-uugnay ng nilalaman ng tiyak na
Modyul sa mga interes at pangangailangan ng mga mag-aaral ay ipinaliliwanag, i.
e paglalarawan sa kahalagahan ng Modyul mula sa paningin ng awtor at ng mga
mag-aaral.
2.
Mga
kasanayang kakailanganin. Malinaw na pagpapahayag sa mga kinakailangang
particular na kasanayan bago simulant ang paggamit ng Moyul, i.e kahandaan ng
mag-aaral
3.
Mga
layuning Pampagtuturo. Malinaw na ispesipikasyon ng mga layunin
pampagtuturo na mahalagang element sa paglinang at gamit ng mga modyul. Ilahad
ang mga ito sa behavioural terms. Sabihin kung sino ang magpapamalas ng kilos,
sabihin ang mamamasid na pagsasagawa ng mag- aaral na inaasahang ipakikita,
sabihin kung ang mga natukoy na kondisyon, layunin o impormasyon, sabihin kung
ano o sino ang nagtakda ng panuntunan ng pagsasagawa ng mga mag-aaral, at
sabihin kung anong mga tugon ang katanggap tangap at ang mga tanging
restriksyon sa mga kasagutang ito.
4.
Panuring Paunang Pagsusulit. Ang instrumenting
ito ay apat magbigay ng impormasyong mahalaga sa pagtukoy kung ang mag-aaral ay
handa o hini sa paggamit ng particular na modyul. Ito ay itinuturing na test ng
nagampanan dahil nakatutulong na tuklasin ang natutunan ng mga mag aaral at ang
antas o lebel ng kanyang kakayahan sa paksa ng modyul. Kung ang kanyang abilida
ay dapat o parehas sa criterion reference standard na itinakda ng layuning
pampagtuturo, maaaring lampas an ng mag-aaral ang isang aralin sa modyul at
magtungo sa susunod. Kung napakahusay ang kinalabasan ng paunang pagsusulit,
hindi na kailangang gawin ng mag-aaral ang modyul.
5.
Mga tagubilin at panuto. Kalakip ng modyul ang
listahan ng mga kagamitan at kung paano makuha ang mga ito, ang mga proseso sa
paghahanda ng mga kagamitan, gayundin ang mga solusyon para sa pangangalaga sa
mga buhay na organism o espesyal na kasangkapan.
6.
Ang programang Modyular. Maaaring ilahad sa ibat
ibang anyo o porma, tulad ng maikling how to do it booklets. Pinagsanib na
multi media instructional units na gumagamit ng audio-tape, film atbp. Sa lahat
ng pagkakataon ang mga mag-aaral ay dapat matuto sa pamamagitan ng aktwal na manipulasyon at hindi lamang sa pamamagitan ng pagbabasa, panonood, o
pakikinig.
7.
Kaugnay na karanasan. Ang iba pang karanasang
pagkatuto na labas sa tuwirang konteksto ng programang