Total Pageviews

Friday, November 23, 2012

Character Education (3rd Grading)


Department of Education
District

Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
Ragay
Ikatlong Markahang Pagsubok
Character Education III


Pangkalahatang Panuto: Matalinong sagutin ang bawat aytem ng pagsubok. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa papel.

1.     Isang umaga, nakasalubong mo ang iyong kapitan ng barangay. Ano ang sasabihin mo?
a.     Hi! Kapitan
b.     Magandang umaga
c.      Magandang umaga po, kapitan.

2.     Nag-uusap sa may tarangkahan ninyo ang iyong ama at si kapitan Pedro .Dadaan ka sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?
a.     Aalis na po ako
b.     Maaari po ba?
c.      Wala pong anuman!
d.     Makikiraan po

3.     Abogado ang kapatid mo. Ano angt awag sa kanya?
a.     G. Santos
b.     Dr. Santos
c.      Attorney Santos

4.     Maaga kang pumasok sa silid-aralan, may nakita kang pera sa isang upuan. Alam mong kay Ana ito na kaklase mo ito at pambayad niya ito sa inyong proyekto. Ano ang gagawin mo?
a.     Hindi papansinin
b.     Mag-iisip mabuti
c.      Itatago muna at ibibigay kay Ana


5.     Sino ang gusto mong kalaro?
a.     Si  Jack na naninisi kapag natatalo
b.     Si Ador na nagagalit kapag natatalo
c.      Si Justin na sumusunod sa tuntunin ng laro

6.     Inutusan ka ng tatay mo na isauli ang hiniram niyang martilyo sa kapitbahay ninyo. Sarado ang pintuan nila. Ano ang gagawin mo?
a.     Kakatok sa pinto at kasabay ang pagsabi ng tao po
b.     Kakatok sa pinto at kasabay ang pagsabi ngTuloy po kayo
c.      Kakatok sa pinto at kasabay ang pagsabi ng Makikiraan po

7.     Nagmamadali si Delia na makasakay sa dyip. May nakasakay siya ng matandang pilay. Ano ang dapat niyang gawin?
a.     Paalisin ang matanda
b.     Itulak ang matandang pilay
c.      Paunahin ang matandang pilay

8.     Inimbita ng iyong guro si Mang Sendong na isang magsasaka upang magsalita tungkol sa kabuhayan nito. Dumating siyang naka tsinelas lamang at luma ang suot na damit.
a.     Babatiin siya ng magalang at makikinig nang maayos.
b.     Hindi papansinin ang sasabihin ni Mang Sendong.
c.      Pagtatawanan ng lihim si Mang Sendong

9.     Sa pagbabasa mo ng isang aklat, nakita mo na ang ibang pahina nito ay nakatiklop.
a.     Itutupi rin ang pahinang tatandaan.
b.     Pabayaang nakatupi ang mga pahina.
c.      Isa-isang uunatin ang mga nakatuping pahina hanggang lahat ay maisaayos.

10. May miting ang punong guro sa opisina. Kailangan mo siyang kausapin sa isang takdang paksa.
a.     Marahang hihinging pahintulot sa taong nag-aasikaso ng miting.
b.     Lalapit ng tuloy-tuloy sa punong guro at magsasabing  gusto siyang kausapin.
c.      Hindi nalang makikipag-usap at sasabihin sa guro na wala ang punong guro.

1.     May baon si Mario. Si Jose ay wala. Kung ikaw si Mario, ano ang gagawin mo?
a.     Hindi papansinin si Jose.
b.     Itatago ang pagkain kay Jose.
c.      Hahatian si Jose ng baong pagkain.

2.     Nakakalat ang putol-putol na tisa sa ibabaw ng mesa.
a.     Ibalot ito sa papel
b.     Itapong lahat sa basurahan
c.      Ilagay sa kahon ang maaari pang gamitin.Itapon ang di na kailangan

3.     Marumi ang pambura ng pisara. Ano ang gagawin mo?
a.     Ipagpag ito sa bintana.
b.     Ipagpag ito sa basurahan sa loob ng silid aralan.
c.      Ipagpag ito sa basurahan sa labas ng silid aralan.

4.     Nasira ang bahay ang kaibigan mo ng bagyo, ano ang magiging reaksyon mo?
a.     Tutuksuhin ang kaibigan
b.     Tatawanan ang kaibigan
c.      Malulungkot  at maghihingi ng tulong para ibigay

5.     Luma na ang bunot na inyong ginagamit. Kumakaskas na ito sa sahig. Ano ang gagawin mo?
a.     Hindi nalang magbubunot.
b.     Pababayaang magasgas ang sahig sa pagbubunot.
c.      Sasabihin sa guro upang mapalitan ito ng bago.

II- Pagpasyahan  kung dapat o hindi dapat gawin ang mga sumusunod na Gawain. Isulat ang D kun gdapat gawin ang mga sumusunod na Gawain. Isulat ang HD kung hindi . Isulat sa patlang ang sagot.
16. _____________  pagtawanan ang batang biglang nangisay dahil may epilepsy.
17. _____________  Itayo ang batang pilay na nadapa.
18. _____________  Alalayan sa pagtawid ang kaklaseng bulag.
19. _____________  Tuksuhin ang batang may kapansanan.
20. _____________  huwag isali sa laro ang batang bulag.
21. _____________  pagtawanan ang kaklaseng ngongo.
22. _____________  tawaging pilantod ang batang pilay.
23. _____________  Kinakausap ang batang may kapansanan.
24. _____________  Sinasali sa laro ang mga batang may kapansanan.
25. _____________  magsabi ng totoo para hindi mapagalitan.

Piliin sa kahon ang akmang salita upang mabuo ng tama ang pangungusap.

Bag                     paminggalan           maleta
Aparador           cabinet                    baul
Sako                   kahon                       bintana

26. Inilalagay natin ang mga baso at pinggan sa _________________
27. Inaayos ni Rosa ang mga damit na dadalhin sa lalawigan at inilalagay sa
       _________________
28. Inaayos ni Noel ang gamit niya sa paaralan sa ___________________
29. Nilinis at nilangisan ang lagare, martilyo at paet. Itinago niya ito sa
       __________________
30. Nilinis niya at pinakintab niya ang sapatos. Ibinalik niya ito sa __________

Isulat ang tamang sagot
31. Ano ang tawag sa kapatid na lalake?   








32. Ang kapatid na babae ay tinatawag na







33. Ang tawag sa kapatid na lalaki ng nanay








34. Ang nanay ng tatay mo ay tinatawag na









35.  Ang ama ay tinatawag na











            Piliin sa kahon ang tamang sagot at Isulat ang titik lamang
a.     Bawat kanto          d. bangketa
b.     Silbato                    e. sakuna
c.      Pulis-trapiko

36. Gamit ng pulis trapiko                                                       _________
37. Dapat nating sundin sa daan                                              _________
38. Ginagamit sa paglakad sa daan                                          _________
39. Pook na kinaroroonan ng pulis trapiko                              _________
40. Maiiwasan kung susundin ang batas trapiko                       _________

                                                                    Inihandani:
                                                                                                       G. Noel R. Dauran, MAED
                                                                                                             Master Teacher - I