Total Pageviews

Saturday, October 6, 2012

MODYUL SA FILIPINO – III



I – Pamagat:
                               Aspeto ng Pandiwa

II – Ang mga Mag-aaral na gagamit – Ikatlong taon

III – Lagom – Pananaw
                        Ang pagtuturo pagkatutong ito ay inihanda para sa iyo upang    Magkaroon ka ng mga karagdagang kaalaman

IV – Layunin
                        Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay  Inaasahang
a.     Makakakilala ng pagkakaiba ng tatlong aspeto ng pandiwa
b.     Matutukoy ang tamang aspeto ng pandiwang gagamitin sa mga pangungusap
c.      Magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ang anumang matutunan tungkol sa aspeto ng pandiwa

V – Panuto o Instruksyon sa mga Mag-aaral
a.  Basahin at unawaing mabuti ang mga aralin tungkol sa tatlong aspeto ng pandiwa.
b. Sundin ang mga panuto at unawaing mabuti ang mga katanungan sa pagsasanay.
c.   Sagutin mo ang bawat pagsasanay na may pag-iingat at matapos mong sagutin ay tingnan ang mga wastong sagot sa mga tanong na makikita matapos ang ginagawang pagsasanay.
d.   Kung ang iyong Iskor ay 7-10, gawin kaagad ang mga susunod na aralin at pagsasanay. Kung ang iyong Iskor naman ay 6 pababa, pag-aralang muli ang araling binasa at saguting muli ang pagsasanay hanggang makakuha ka ng Iskor na 7 pataas.
e.     Maging tapat ka sa Diyos at sa iyong sarili sa pagsagot ng mga pagsasanay.
VI – Mga Kakailanganing Kahandaang Gawain
Bago pag-aralan ang Modyul na ito, kailangang alam mo na ang kahulugan at gamit ng pandiwa.
VII – Paunang Pagsubok o Unang Pagsusulit

            Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.     Si Lito ay _____________ ng tubig mamaya.
a.     Iigib                b. mag-iigib              c. mag-igib

2.     Ang mga bata ay ___________ ng halaman kahapon.
a.     Magtatanim b. nagtatanim         c. nagtanim

3.     ___________ siya ng premyong isandaang piso sa patimpalak.
a.     Nagwagi        b. Magwawagi        c. Nagwawagi

4.     ___________ siya tuwing gabi.
a.     Nagdasal       b. Nagdarasal          c. Magdadasal

5.     Ang nagwagi ng unang gantimpala ay ______________ng isang tropeo.
a.     Tumanggap  b. tumatanggap      c. tatanggapin

6.     May _____________ na mga bisita sina Mang Paeng at aling Bebang bukas.
a.     Dumating     b. dumarating         c. darating

7.      ______________ ang mga taga-Daraga nang pumutok ang Bulkang Mayon noong 1997.
a.     Lumikas         b. Lumilikas              c. Lilikas

8.     ______________ ang mag-anak nang dumating si Venus.
a.     Kumain          b. Kumakain            c. Kakain

9.     Si Mang Dan ay parating ________________ ng pahayagan.
a.     Magbasa       b. nagbabasa           c. magbabasa

10.            _____________ siya sa paligsahan sa pag-awit kahapon.
a.     Sumali           b. Sumasali               c. Sasali


VIII – Mga Sagot sa Paunang Pagsubok o mga sagot sa Unang Pagtatayang Pagsusulit.

1.     A
2.     C
3.     A
4.     B
5.     A
6.     C
7.     A
8.     B
9.     B
10. A


IX – Mga Aralin sa Pagkatuto

A.  Aralin I

Ang unang aspeto ng pandiwa ay perpektibo. Ang perpektibo o aspetong pangnagdaan ay nagpapakita ng kilos na naganap na. Ang pangungusap na may pandiwang nasa aspetong perpektibo ay karaniwang kakikitaan ng pang-abay na pamanahon tulad ng Kahapon, Kanina, noong isang taon, at iba pang nagsasaad ng pangnagdaang panahon. Karaniwang ginagamit ang mga panlaping um, in, at mag
                      
Halimbawa:

1.     Umalis ang nanay kahapon.
2.     Iniwan ni Lita ang bahay kanina.
3.     Naglinis ako kahapon.

Pagsasanay I

Piliin ang angkop na Pandiwa para sa bawat pangungusap

1.     Si Rina ay isang batang Hindu na ( tumira, tumitira, titira ) nang matagal sa Maynila.

2.     ( Kumain, Kumakain, Kakain ) siya ng pansit sa palengke kanina.

3.     ( Bumili, Bibili, Bumibili ) siya ng sasakyan kahapon.

4.     ( Ipinanganak, Ipinapanganak, Ipapanganak ) si Kim noong 1972.

5.     ( Binaril, Binabaril, Babarilin ) si Rizal sa Luneta.

6.     Noong bata pa ako, mahilig akong ( aakyat, umaakyat, umakyat ) sa puno.

7.     ( Mamamasyal, Namasyal, Namamasyal ) kami sa SM Naga noong Sabado.

8.     ( Sumusunod, Susundin, Sinunod ) niya ang payo ng kanyang ina kaya siya nagtagumpay.

9.     ( Pumupunta, Pupunta, Pumunta ) siya sa bahay kahapon.

10.                        ( Binato, Binabato, Babatuhin ) siya kaya siya nasugatan.




Mga Sagot sa Pagsasanay I

1.     Tumira
2.     Kumain
3.     Bumili
4.     Ipinanganak
5.     Binaril
6.     Umakyat
7.     Namasyal
8.     Sinunod
9.     Pumunta
10.            Binato


 B.  Aralin II
                       
Ang ikalawang aspeto ng pandiwa ay imperpektibo. Ang imperpektibo o  aspetong  pangkasalukuyan ay nagpapakita ng kilos ng ginaganap pa lamang o kilos na nasimulan na pero hindi pa natatapos. Karaniwang ginagamitan ito ng panlaping um/ nag/ na+pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + salitang ugat.


Halimbawa:

1.     Naglalaba ako ng damit araw-araw.
2.     Umaawit ako tuwing umaga.
3.     Namimitas ako ng gulay sa hardin tuwing Sabado.

 
Pagsasanay II

Bilugan ang wastong sagot

1.     ( Maligo, Naliligo, Maliligo ) siya nang kami’y dumating.

2. ( Sumasayaw, Sasayaw, Sumayaw ) si Danny habang ( kumanta, kakanta, kumakanta ) ako.

3.     ( Matutulog, Natulog, Natutulog ) si Nick nang dumating si Tena.

4.     Ang bahay ni Mang Kanor ay kasalukuyang ( gagawin, ginagawa, ginawa ).

5.     ( Manonood, Nanood, Nanonood ) siya ng basket bol nang biglang nawalan ng kuryente.

6.     An gaming tanghalian ay kasalukuyang ( inihanda, inihahanda, ihahanda) ni nanay

7.     Si Jovelyn ay malungkot habang ang lahat ay ( nagsaya, magsasaya, nagsasaya).

8.     ( Magliligpit, Nagliligpit, Nagligpit ) siya nang biglang nawala ang tubig.

9.  ( Gagawa, Gumagawa, Gumawa ) siya ng takdang aralin habang kami ay ( kumakain, kakain, kumain )

10.   Ang bulkan ay kasalukuyang ( pumuputok, puputok, pumutok ).



Mga sagot sa Pagsasanay II

1.     Naliligo
2.     Sumasayaw, kumakanta
3.     Natutulog
4.     Ginagawa
5.     Nanonood
6.     Inihanda
7.     Nagsasaya
8.     Nagliligpit
9.     Gumagawa, Kumakain
10  Pumuputok


c. Aralin III

            Kontemplatibo ang huling aspeto ng pandiwa. Ang kontemplatibo o aspetong panghinaharap ay nagpapakita ng kilos na gaganapin pa lamang. Karaniwang ginagamit ang mga pang-abay na pamanahon tulad ng mamaya, bukas, sa susunod na taon, sa susunod na araw at iba pang panahong panghinaharap. Karaniwang gumagamit ditto ng panlaping ma/ mag + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + salitang ugat o kaya naman ay pag-uulit ng unang pantig ng salitang – ugat + salitang – ugat.



Halimbawa:

1.     Mamamasyal kami bukas.
2.     Magluluto ako ng ulam mamaya.
3.     Iigib ng panligo si Boy mamaya.


Pagsasanay III

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.     _______________ ng bahay si lolo sa susunod na Linggo.
a.     Magpapatayo    b. Nagpatayo           c. Nagpapatayo

2.     _______________ ng medisina si Raul Pagdating ng kolehiyo.
a.     Kumuha              b. Kumukuha           c. Kukuha

3.     _______________ kami ni Ben pagkatapos ng klase.
a.     Nagkita                b. Magkikita             c. Nagkikita

4.     Si Tatay ay __________________ sa Maynila sa kamakalawa.
a.     Luluwas               b. lumuluwas           c. lumuwas

5.     ______________ bukas ang kaibigan ko.
a.     Darating              b. Dumarating         c. Dumating

6.     ___________ ang kuya sa palatuntunan bukas.
a.     Sumasayaw       b. Sumayaw                         c. Sasayaw

7.     Sa susunod na Linggo ay _____________ kami sa Museo.
a.     Pumunta             b. pupunta   c. pumupunta

8.     ____________ sina Marlon at Fe bukas.
a.     Ikakasal               b. Ikinasal     c. Ikinakasal

9.     _____________ si Shame sa barko mamaya patungong Cebu.
a.     Sumasakay         b, Sumakay c. Sasakay

10.  ____________ ang araw mamaya sa dakong ika-6 ng hapon.
a.     Lumubog            b. Lulubog    c. Lumulubog
        


 
Mga sagot sa Pagsasanay III

1.     A
2.     C
3.     B
4.     A
5.     A
6.     C
7.     B
8.     A
9.     C
10.            B



X – Panukatang Sangguniang Pagsusulit

      Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong

1.     ( Bumubuhos, Bumuhos, Bubuhos ) ang ulan kaninang umaga.

2.     ( Dumating, Darating, Dumarating ) ang pasalubong ng Tiya ko mamaya.

3.     ( Mag-eensayo, Nag-ensayo, Nag-eensayo ) ang mga manlalaro tuwing umaga.

4.     Gabi nan g (umuwi, uuwi, umuuwi ) si Dan.

5.     ( Nagliligpit, Nagligpit, Magliligpit ) ako n gaming pinagkainan bago ako matulog.

6.     Kasalukuyang ( nasunog, masusunog, nasusunog ) ang bahay ni Mang Ramon.

7.     ( Tumatakbo, Tumakbo, Tatakbo ) bilang Senador si Noli sa darating na halalan.

8.     Kasalukuyang ( maglalakad, naglalakad, maglalakad) si Ariel nang bigla siyang matapilok.

9.     ( Nagsimba, Nagsisimba, Magsisimba ) an gaming pamilya tuwing Linggo.

10 ( Natuwa, Matutuwa, Natutuwa ) si Rona matapos siyang mapagalitan ng magulang.


XI – Mga sagot sa Panukatang Sangguniang Pagsusulit

1.     Bumuhos
2.     Darating
3.     Nag-eensayo
4.     Umuwi
5.     Magliligpit
6.     Nasusunog
7.     Tatakbo
8.     Naglalakad
9.     Nagsisimba
10. Natuwa


 
XII – Pagpapahalaga

A.    Naging malinaw ba para sa iyo ang mga nagging paliwanag sa aspeto ng pandiwa?
B.     Nakatulong ba naman sa iyo ang modyul upang mapalawak at mapadali ang pag-aaral mo sa mga aspeto ng pandiwa?
C.     Sa tulong mga paliwanag sa modyul, maaari ka na bang gumawa ng sarili mong mga pangungusap na ginagamitan ng tatlong aspeto ng pandiwa.



                                                                     Inihanda ni:


                                                                             NOEL R. DAURAN
                                                                                 Master Teacher-I


     Pinagtibay:

                         HELEN J. DE LIMA
                                ESHT – III



OPHELIA A. PLATON, Ph. D.
PSDS





Ang Modyul Pampagtuturo at ang Paghahanda Nito

Kahulugan:

                Ang Modyul ay isang set ng mga Gawain sa pagkatuto na maayos ang pagkabuo 
at kalakip ang mga araling nagtataglay ng mga element ng pagtuturo, tiyak na layunin, pagtuturopagkatutong Gawain, at pagpapahalagang gumagamit ng Sangguniang Pagsusulit.

Mga Katangian

1.       Ito ay yunit ng instruksyon na kadalasang makapag-iisa.
a)      Malayang ginagamit na may buong pakikilahok ng klase.
b)      Natatamo ng mag-aaral ang mga layunin /tunguhing walang pamamatnubay
      ng guro/taga-pagsanay  o nang may kakaunting tulong mulo sa guro.
c)       Nagtataglay ng mga tiyak na takdang Gawain sa pagkatuto, panuto at ang pagtataya ay malinaw at maayos, ang mga panimulang pagsusulit formative test, pangkatapusang pagsusulit at susi ng pagwawasto o mga sagot sa tanong ay nakahanda sa mga mag-aaral.

2.       Pinanalaya ang mga guro at mga mag-aaral mula sa mahigpit na takdang panahon.
3.       Ang mga yunit pampagtuturo ay maaaring ilahad sa anyo ng teksto, audio vieo recording,  programmed materials, pagsasanay panlaboratoryo o anumang malikhaing nabuong pormat.
4.       Ang mga layunin at mga Gawain ay malinaw na tinukoy at dapat na maaos ang pagkasunod-sunod  upang bigyan ang mga masg- aaral ng kumulatibong pag-unawa at kasanayang magsisilbing  kahingian para sa mga susunod na aralin.
5.       Ang mga nilalaman ay dapat na maikli at tiyak at nakatuon sa pagtamo ng tunguhin ng modyul,
a.       Dapat nitong hikayatin ang mag-aaral sa pamamagitan  ng malinaw na tunguhin, mahusay na ilustrasyon ng mga Gawain, tunay na sitwasyon sa buhay, pangangailangan, at interes ng mag-aaral
b.      Apat itong isulat sa malinaw at payak na wikang angkop na antas ng mga mag-aaral, hindi   mahirap unawain, at Malaya sa ano mang maling gamit ng wika.
c.       Dapat itong isulat sa paraang magiging kawiliwili at nakahihikayat ang mga aralin at pukawin at panatiliin ang atensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan nang paggamit ng lahat ng nakahandang paraan.
d.      Dapat itong tiyak at wasto, walang mali sa mga isinasaad dahil ang modyul ang tanging pagkukunan ng mag-aaral ng kaalamanan.

6.       Ang mga moyul ay dapat na interaktibo at madaling gamitin , I, e, bumubuo ng ugnayan sa mag-aaral na patuloy tumutugon ditto o kaya ay nakikipag-usap sa mag-aaral sa personal na paraan. Ang mga Gawain sa pagkatuto ay apat na mapaghamon, malikhain, at masining.
7.       Dapat nitong turuan ang mag-aaral sa lahat ng aspeto, i. e, mithiin ang kognitibo, apektibo, at saykomotor na pagkatuto sa lahat ng pagkakataon ng pag-aaral upang magbunga nang lubos na pagkatuto, at nang mas mayaman at mas tiyak na uri ng buhay ng mag-aaral.

Mga Karaniwang Elemento ng Modyul

1.       Malayang yunit ng instruksyon makapag-iisa
2.       Malinaw na tinutukoy ang mga dapat na matamong layunin
3.       Nagtataglay ng set ng mga sistematikong paglalaha ng mga Gawain sa pagkatuto.
4.       May paraan ng ebalwasyon ng Gawain.

Mga Komponent/Bahagi ng Modyul

1.       Paglalahad ng layon .Ang pamagat ng modyul na nag-uugnay ng nilalaman ng tiyak na Modyul sa  mga interes at pangangailangan ng mga mag-aaral ay ipinaliliwanag, i. e paglalarawan sa  kahalagahan ng Modyul mula sa paningin ng awtor at ng mga mag-aaral.

2.       Mga kasanayang kakailanganin. Malinaw na pagpapahayag sa mga kinakailangang particular na  kasanayan bago simulant ang paggamit ng Moyul, i.e kahandaan ng mag-aaral

3.       Mga layuning Pampagtuturo. Malinaw na ispesipikasyon ng mga layunin pampagtuturo na  mahalagang element sa paglinang at gamit ng mga modyul. Ilahad ang mga ito sa behavioural terms.  Sabihin kung sino ang magpapamalas ng kilos, sabihin ang mamamasid na pagsasagawa ng mag-  aaral na inaasahang ipakikita, sabihin kung ang mga natukoy na kondisyon, layunin o impormasyon,  sabihin kung ano o sino ang nagtakda ng panuntunan ng pagsasagawa ng mga mag-aaral, at sabihin  kung anong mga tugon ang katanggap tangap at ang mga tanging restriksyon sa mga kasagutang ito.

4.       Panuring Paunang Pagsusulit. Ang instrumenting ito ay apat magbigay ng impormasyong mahalaga  sa pagtukoy kung ang mag-aaral ay handa o hini sa paggamit ng particular na modyul. Ito ay  itinuturing na test ng nagampanan dahil nakatutulong na tuklasin ang natutunan ng mga mag aaral at  ang antas o lebel ng kanyang kakayahan sa paksa ng modyul. Kung ang kanyang abilida ay dapat o  parehas sa criterion reference standard na itinakda ng layuning pampagtuturo, maaaring lampas an  ng mag-aaral ang isang aralin sa modyul at magtungo sa susunod. Kung napakahusay ang  kinalabasan ng paunang pagsusulit, hindi na kailangang gawin ng mag-aaral ang modyul.

5.       Mga tagubilin at panuto. Kalakip ng modyul ang listahan ng mga kagamitan at kung paano makuha  ang mga ito, ang mga proseso sa paghahanda ng mga kagamitan, gayundin ang mga solusyon para sa  pangangalaga sa mga buhay na organism o espesyal na kasangkapan.

6.       Ang programang Modyular. Maaaring ilahad sa ibat ibang anyo o porma, tulad ng maikling how to  do it booklets. Pinagsanib na multi media instructional units na gumagamit ng audio-tape, film atbp.  Sa lahat ng pagkakataon ang mga mag-aaral ay dapat matuto sa pamamagitan ng aktwal na  manipulasyon at hindi lamang sa pamamagitan ng pagbabasa, panonood, o pakikinig.


7.       Kaugnay na karanasan. Ang iba pang karanasang pagkatuto na labas sa tuwirang konteksto ng    programang