Baya Elementary School, Susi sa Malusog na Kinabukasan: Paghahanap sa Susunod na
"Batang WinS 2026" sa Tulong ng "May Pera sa Basura"
Baya Elementary School, Baya, Ragay, Camarines sur - sa patuloy na paghahanap ng Department of Education para sa mga inspirasyon na Batang WinS na magsisilbing ehemplo ng kalinisan at kalusugan sa mga paaralan, masiglang nakiisa ang Baya Elementary School sa kampanyang ito. Ngayong 2026, ang paghahanap sa susunod na kampeon ay hindi lamang nakasentro sa personal na kalinisan, kundi pati na rin sa pangangalaga sa kapaligiran, sa pamamagitan ng kanilang makabagong programng "May Pera sa Basura"
Ang Batang WinS ay isang taunang pagkilala sa mga mag aaral na nagpapakita ng pambihirang pagsunod at pagpapahalaga sa Wash in school Program, na nagtataguyod ng handwashing, tamang paggamit ng palikuran, at iba pa pang kasanayan sa kalinisan at kalusugan. Ngunit sa Baya Elementary School, inangat nila ang antas ng pagpili sa pamamagitan ng pag-integrar ng sustainable environmental practices.

